LOOK: Nagbebenta ng ipinagbabawal na Paputok Online nahuli!

Arestado sa isinagawang entrapment ope­ration ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong katao na kinabibilangan ng isang babae na nagbebenta sa Internet ng mga malalakas at bawal na paputok sa Quezon City, Batay sa report kay QCPD Director, Chief Superintendent Guil­lermo Eleazar, naaresto sina Maria Celeste Lin­gad, 38; Alvin Abainza, 38, at Danilo Tupas, 41, dakong alas-7:53 ng gabi sa isang kilalang food chain sa Minda­nao Avenue corner Congressional Avenue ng nasabing lungsod. Ayon kay Superintendent Rogart Campo ng QCPD-District Special Operations Unit (DSOU), nagkasa sila ng entrapment operation matapos mapag-alaman na mayroong bentahan ng mga paputok sa internet. Dito ay nagplano ang mga awtoridad at isang asset ng mga pulis ang nagkuwaring kostumer at bibili ng mga papu­tok sa tatlo at nagkasundong magkikita sa isang food chain para makuha ang order. Sa aktong iniaabot ng mga suspek ang mga paputok na gaya ng sawa, judas belt, whistle bomb, trianggulo at iba pang uri ng mala­lakas na paputok ay agad ­inaresto ang tatlong nabanggit na suspek. Nabawi mula sa mga suspek ang tinatayang nagkakahalaga ng P90,000 ng iba’t ibang uri ng bawal na paputok na nakalagay sa kanilang sasakyan na Isuzu Crosswind. Wala ring naipa­kitang dokumento ang mga suspek tulad ng ‘license to operate’ at ‘permit to transport’.

Loading...

No comments:

Theme images by sndr. Powered by Blogger.